Malaki ang kontribusyon ni Sarah Geronimo sa isang mang-aawit, mananayaw, endorser sa kulturang Pilipino. Dahil sa kanya, mas nakilala ang ating bansa sa pag-awit. Marami ding Filipino ang nahilig sa pagkanta dahil sa kanya. Hindi lang siya kilala sa kanyang pag-awit, pero siya rin ay nakilala sa kanyang mga sold out na konsyerto. At dahil rito hindi na naghahanap ang mga tao ng internasyonal na mang-aawit, at dahil hindi na sila naghahanap ng internasyonal na mang-aawit, mas tumataas ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa kanyang mga concerto at palabas. Ganun na din sa kanyang mga pelikula. Kilala si Sarah Geronimo sa kanyang "To love you more" ni Celine Dion, siya ang tinuturing na Celine Dion ng Pilipinas. Ang kanyang blockbuster na pelikula ay "A Very Special Love" at "You Changed My Life" na talagang pinilahan ng mga Pilipino, na umabot ng milyon milyon na Gross Net kaya siya ay kinikilalang bilang "Prinsesa ng Pelikulang Pilipino" at nanalo din siya sa Pasado Awards bilang Pinakapasadong Kabataan sa Larangan ng Pelikula at Akademya. Halos lahat ng kanyang album ay nagkaroon ng Platinum Award at siya rin ay nananalo taon taon ng "Female Recording Artist of the Year"
Totoong pangalan: Sarah Asher Tuazon Geronimo
Kapanganakan: Hulyo 25 1988
Taas: 5'4
Si Sarah Asher Tuazon Geronimo ay ipinanganak noong ika-25 ng Hulyo, 1988. Siya ay anak ni Delfin Geronimo, dating trabahador ng PLDT, at Divina Geronimo na nagtayo ng isang "beauty parlor" sa kanilang bahay sa Sta. Cruz, Manila. Apat silang magkakapatid (Johna Rizzie, Sunshine Grace, at Ezekiel Gabriel) at siya ay pangatlo.
Unang nagturo sa kanya sa pagkanta ay ang kanyang tatay. Nagtiyaga silang magpraktis araw-araw para gumaling ito. Dalawang taon lamang siya noong una siyang kumanta sa entblado. Kinanta niya ang "Pasko nanaman" na kinanta ni Pinky Marquez at Richard Revnoso. Pagtuntong niya ng ika-apat na taon, tinulungan at sinamahan siya ng kanyang ina na si Divina sa mga iba't ibang kompetisyong kanyang pwedeng salihan. Naging bahagi si Sarah sa palabas na "Sarapen", "Ang TV", at "NEXT". Isa din si Sarah sa mga nagtanghal noong bumisita si Pope John Paul II noong 1995. Sa murang edad, sumali siya sa mga iba't ibang paligsahan ng pagkanta. Unang una niyang sinalihan ay ang "Tuklas Talino" na suportado ng PLDT.
"Star for a Night" na pinamunuan ni Bb. Regine Velasquez ang nagpasikat kay Sarah. Noong ika-1 ng Marso, Katorse si Sarah, nanalo siya sa kanta niyang "To love you more". Nakatanggap siya ng isang milyon at kontrata sa Viva Artist Agency. Ginamit ni Sarah ang kanyang napanalunan na isang milyon sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid at para sa pagpapa-opera ng kanyang ate.
Dahil sa kanyang pagkapanalo, nagsulputan ang kanyang mga album, concert, sariling teleserye, regular na paglabas sa "A.S.A.P", pageendorso at mga fans. Siya ay binansagan bilang popstar, teen princess at magandang halimbawa sa karamihan.
Ngayon ay may sarili na siyang show na pinamagatang "Sarah G: Live!" tuwing Linggo ng gabi.

Ayon sa isang International Producer na si Christian Walden, pinuri niya ang magandang boses at sinabing, "The personality of her voice is phenomenally distinct. Many have great voices but they tend to imitate foreign Divas like Mariah Carey or Whitney Houston. She definitely is the biggest talent I have come across within the last ten years.:
Ayon naman kay Camille Bersola ng Philippine Star, inilarawan niya si Sarah bilang isang Pop icon at isang inspirasyon sa mga kabataan ngayon.
Pinuri rin ng Manila Bulletin si Sarah at sinabing:
"Sarah's very successful concert showcased the various facets of her personality. She's an old soul who can sing Celine Dion's "If I Could" and Mariah Carey's "Through The Rain" with such emotion. She's an 80's baby who can moonwalk to "Billie Jean" ala Michael Jackson. She's a budding belter who can hit the high notes of Whitney Houston's "The Greatest Love of All"
Si Joy Belmonte naman ay sumulat sa Philippine Star upang magbigay ng komento kay Sarah at sinabi na "She's wholesome on and off camera, untainted by unsavory rumors. She's an ideal daughter and that makes her a good role model for the youth."
Sinabi din ni Rajo Laurel, isang sikat na Fashion Designer, na nararapat lang kay Sarah ang makamtan ang tagumpay sapagkat hindi lang maganda panglabas pati rin ang pangloob na katangian nito.
Pinanggalingan: http://en.m.wikipedia.org/wiki/Sarah_Geronimo#section_2
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)