Photobucket

Malaki ang kontribusyon ni Sarah Geronimo sa isang mang-aawit, mananayaw, endorser sa kulturang Pilipino. Dahil sa kanya, mas nakilala ang ating bansa sa pag-awit. Marami ding Filipino ang nahilig sa pagkanta dahil sa kanya. Hindi lang siya kilala sa kanyang pag-awit, pero siya rin ay nakilala sa kanyang mga sold out na konsyerto. At dahil rito hindi na naghahanap ang mga tao ng internasyonal na mang-aawit, at dahil hindi na sila naghahanap ng internasyonal na mang-aawit, mas tumataas ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa kanyang mga concerto at palabas. Ganun na din sa kanyang mga pelikula. Kilala si Sarah Geronimo sa kanyang "To love you more" ni Celine Dion, siya ang tinuturing na Celine Dion ng Pilipinas. Ang kanyang blockbuster na pelikula ay "A Very Special Love" at "You Changed My Life" na talagang pinilahan ng mga Pilipino, na umabot ng milyon milyon na Gross Net kaya siya ay kinikilalang bilang "Prinsesa ng Pelikulang Pilipino" at nanalo din siya sa Pasado Awards bilang Pinakapasadong Kabataan sa Larangan ng Pelikula at Akademya. Halos lahat ng kanyang album ay nagkaroon ng Platinum Award at siya rin ay nananalo taon taon ng "Female Recording Artist of the Year"