Totoong pangalan: Sarah Asher Tuazon Geronimo
Kapanganakan: Hulyo 25 1988
Taas: 5'4
Si Sarah Asher Tuazon Geronimo ay ipinanganak noong ika-25 ng Hulyo, 1988. Siya ay anak ni Delfin Geronimo, dating trabahador ng PLDT, at Divina Geronimo na nagtayo ng isang "beauty parlor" sa kanilang bahay sa Sta. Cruz, Manila. Apat silang magkakapatid (Johna Rizzie, Sunshine Grace, at Ezekiel Gabriel) at siya ay pangatlo.
Unang nagturo sa kanya sa pagkanta ay ang kanyang tatay. Nagtiyaga silang magpraktis araw-araw para gumaling ito. Dalawang taon lamang siya noong una siyang kumanta sa entblado. Kinanta niya ang "Pasko nanaman" na kinanta ni Pinky Marquez at Richard Revnoso. Pagtuntong niya ng ika-apat na taon, tinulungan at sinamahan siya ng kanyang ina na si Divina sa mga iba't ibang kompetisyong kanyang pwedeng salihan. Naging bahagi si Sarah sa palabas na "Sarapen", "Ang TV", at "NEXT". Isa din si Sarah sa mga nagtanghal noong bumisita si Pope John Paul II noong 1995. Sa murang edad, sumali siya sa mga iba't ibang paligsahan ng pagkanta. Unang una niyang sinalihan ay ang "Tuklas Talino" na suportado ng PLDT.
"Star for a Night" na pinamunuan ni Bb. Regine Velasquez ang nagpasikat kay Sarah. Noong ika-1 ng Marso, Katorse si Sarah, nanalo siya sa kanta niyang "To love you more". Nakatanggap siya ng isang milyon at kontrata sa Viva Artist Agency. Ginamit ni Sarah ang kanyang napanalunan na isang milyon sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid at para sa pagpapa-opera ng kanyang ate.
Dahil sa kanyang pagkapanalo, nagsulputan ang kanyang mga album, concert, sariling teleserye, regular na paglabas sa "A.S.A.P", pageendorso at mga fans. Siya ay binansagan bilang popstar, teen princess at magandang halimbawa sa karamihan.
Ngayon ay may sarili na siyang show na pinamagatang "Sarah G: Live!" tuwing Linggo ng gabi.